Hindi mahilig si Amara sa Korean Music o sa kahit na anong may kaugnayan sa korea. Pero biglang nagbago ang lahat nang marinig niyang kumanta si Jian Han, ang bagong bokalista ng campus band nila na The Harmony. Parang biglang gusto na niyang pag aralan kahit ang buong history ng korea dahil sa gwapong koreano na bumihag sa inosenteng puso niya. Kung may mas masungit pa kay Jian ay hindi niya alam. At kung may mas sisipag pa sakanya sa pagsunod sunod dito ay hindi rin niya masasagot. Isa lang ang masasabi niya sa ngayon: handa siyang gawin ang lahat mapaamo lang ang campus bad boy at walang kasing gwapong lalaki na palaging laman ng puso at isip niya. Nagawa naman ni Amara ang nais niya. Naging malapit sila ni Jian. Nakikita rin niya ang pagbabago nito. Akala niya ay hindi na matatapos ang kaligayahan na nararamdaman niya. Ngunit laking pagtataka niya nang isang araw ay bigla na lang siyang iniwasan nito. Hanggang sa makita niya mismo ang dahilan kung bakit nawala sakanya si Jian.